Read More
Sa pagdiriwang ng Filipino at Araling Panlipunan ngayong buwan na may temang “Kakayanang Iparating ang Kasaysayan sa Modernong Panahon”, iba’t ibang patimpalak ang inihanda ng Filipino Club at Tali-Knows Club upang maipamalas ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang ng FEU Roosevelt Cainta ang kanilang angking galing sa pakikipag-debate, paggawa ng short film o maikling pelikula, at ang paggawa ng malikhaing poster. Ang pagdiriwang na ito ay naganap mula ika-labing-isa hanggang ika-dalawampu’t apat ng Oktubre taong 2021.







